Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Nueva Ecija, nasa 25 na

Nadagdagan pa ng dalawa ang tinamaan ng COVID-19 sa Nueva Ecija.

Sa Nueva Ecija Task Force COVID-19 update hanggang April 2, nasa 25 na ang confirmed COVID-19 positive patients sa lalawigan.

Ang bagong kaso ay isang 65-anyos mula sa Tikiw, San Antonio.

Naka-confine na ang pasyente sa pagamutan.

Samantala, ang ikalawang bagong kaso sa araw ng Huwebes sa lalawigan ay isang 52-anyos na taga-Bonifacio, Cabanatuan City.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang bagong kaso sa lalawigan.

Read more...