454 Pinoy crew members mula US, dumating na sa Pilipinas


Nakauwi na ng Pilipinas ang 454 na Filipino crew members mula sa Miami, USA Huwebes ng umaga.

Sinalubong ng ilang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating sa bansa ng repatriates sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kabilang sa mga nakabalik na ng bansa ang 253 crew members mula sa Norwegian Star at 201 mula naman sa Norwegian Dawn Cruise ship.

Maliban dito, dumating na rin ng bansa ang isa pang batch ng 446 na Filipino seafarers mula sa non-COVID affected MSC Armonia, Meraviglia, Seaside at Divina cruise ships.

Read more...