Balitang na-admit sa ospital si Pangulong Duterte ‘fake news’ ayon sa Malakanyang

Peke umano ang balitang kumakalat na na-admit sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo nakarating sa kanila ang impormasyon na may ganitong balita na kumakalat sa social media.

Hindi umano ito totoo dahil ang pangulo ay nananatiling malakas at malusog.

Patuloy din nitong ginagampanan ang kaniyang presidential duties sa Bahay Pagbabago.

“We wish to inform the public that such information is absolutely false. The President is fit and healthy and is currently doing his presidential duties at his official residence at the Bahay Pagbabago,” ayon kay Panelo.

Inabisuhan din ni Panelo ang publiko na maging maingat sa mga nababasa at ibinabahaging balita sa social media.

“We caution our people to be wary of purveyors of false news and information and always watch and read official advisories relative to the President and the implementation of the Bayanihan Heal As One Act to put a stop to the spread of the deadly COVID-19,” dagdag ni Panelo

Read more...