Account na gumagamit ng logo ng Kamara ini-report na sa Twitter

Inireklamo na sa Twitter ng House of Representatives, ang isang Twitter account na gumagamit ng logo ng Kamara.

Inabisuhan din ng Kamara ang publiko na ang tanging opisyal na Twitter account nila ay ang @HouseofRepsPH.

Nakarating kasi sa kaalaman ng Kamara na ang Twitter account na @house_files ay gumagamit ng logo ng Kamara at nagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Kabilang sa ibinabahagi nito ang mga pekeng impormasyon tungkol sa COVID-19.

Kalaunan pinalitan ang account name at ginawang @congresstita na nagpapakalat pa rin ng pekeng impormasyon.

Tiniyak ng Kamara na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para matukoy kung sino ang nasa likod ng account.

Read more...