Mga residente sa mga lugar na sakop ng ECQ oobligahin nang magsuot ng face masks, face shields o iba pang proteksyon kapag lalabas ng bahay

Oobligahin na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases,ang mga residente sa mga lugar na sakop ng umiiral na enhanced community quarantine na magsuot ng face masks, face shields at iba pang proteksyon laban sa COVID-19.

Sa kaniyang virtual briefing, sinabi ni IATF Spokesperson at Cabinet secretary Karlo Nograles nakatakdang maglabas ng ordinansa ang local government units hinggil dito.

Pwede rin ayon kay Nograles na gumamit ng reusable, DIY masks, panyo at iba pa na proteksyon.

Kada lalabas ng bahay ay dapat na magsuot ng proteksyon ang mga residente.

“For areas placed under ECQ, the IATF hereby adopts the policy of mandatory wearing by all residents of face masks, earloop masks, indigenous, reusable or do-it-yourself masks, face shields, handkerchiefs, or such other protective equipment that can effectively lessen the transmission of COVID-19, whenever allowed to go out of their residences pursuant to existing guidelines issued by the national government,” pahayag ni Nograles.

Sa ilalim ng ordinansa ay magpapataw din ng karampatang parusa sa mga lalabag.

“Concerned LGUs are hereby enjoined to issue the necessary executive order or ordinance to that effect, and impose such penalties as may be appropriate,” pahayag ni Nograles.

Read more...