Mga driver at crew ng cargo at delivery trucks hindi na obligadong sumailalim sa 14-days quarantine

Exempted na sa labing apat na araw na quarantine period ang mga drayber at crew ng cargo at delivery truck.

Ayon kay kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, kailangan kasi na masiguro na tuluy-tuloy ang daloy ng mga kargamento habang umiiral ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-9.

“Inuulit po ng IATF, kailangan pong tuloy-tuloy ang daloy ng mga kargamento, exempted po ang mga ito sa ECQ. Pinapaalala po natin sa mga LGU at local health units: hindi required ang mga drayber at crew ng cargo at delivery truck na mag 14-day quarantine.,” pahayag ni Nograles.

Pinapayagan aniya ng IATF na makabiyahe ang mga deivery truck na may tatlong sakay na personnel bastat siguraduhin lamang na nasusunod ang social distancing.

“For this purpose, Paragraph I(g) of IATF Resolution No. 14, series of 2020, exempting such vehicles, with or without load, with not more than three (3) personnel onboard, is reaffirmed. ​Provided​, that strict social distancing measures must be strictly observed, which may include, if necessary, the putting up of additional safe and humane seats or space in the vehicles,” pahayag ni Nograles.

Inaatasan ang mga LGU at local health units na sumunod sa mga kautusan ng IATF.

Read more...