Philippine ambassador to Lebanon Bernardita Catalla pumanaw na dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagpanaw ngayong araw ni Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasykn na dulot ng COVID-19.

Si Ambassador Catalla ay 27 taon nang career diplomat.

Siya ay nagsilbi rin bilang Philippine diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta at naging Passport Director ng DFA.

Bago siya naging Ambassador sa Lebanon, naging Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.

Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019.

Read more...