Water level ng Angat dam nasa 195-meter level na lang

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology 195.97 meters na lang ang water level ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (Apr. 2).

Mas mababa kumpara sa 196.25 meters na water level nito kahapon

Kapwa naman nadagdagan ang water level ng Ipo at La Mesa dam na ngayon ay nasa 101.06 meters at 77 meters

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.

Read more...