Mahigit 1,000 nasawi sa US sa magdamag dahil sa COVID-19; kumpirmadong kaso ng COVID-19 mahigit 214,000 na

Nakapagtala ng malaking bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos sa nakalipas na magdamag dahil sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos, 1,046 ang namatay sa US dahil sa sakit sa magdamag.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng nasawi sa US sa loob ng isang araw.

Dahil dito, umabot na sa 5,099 ang death toll sa US dahil sa naturang sakit.

Nakapagtala din ng malaking bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa US sa magdamag.

Mahigit 26,100 ang bagong kaso ng COVID-19 sa US kaya umabot na sa mahigit 214,600 ang kumpirmadong kaso.

Read more...