Sen. Koko Pimentel iimbestigahan din ng NBI

Iimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator KOko Pimentel III makaraang mabatikos ito sa paglabas-labas habang hinihintay ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan niya ang NBI na magsagawa ng fact-finding investigation at hingin ang paliwanag o panig ng senador.

Ito ay kung walang reklamong isasampa ang Makati Medical Center o iba pang partido.

Kinumpirma ni NBI Director Eric Distor na maliban kay Pasig City Mayor Vico Sotto ay pagpapaliwanagin din si Pimentel.

Umani ng batikos ang utos ng NBI kay Sotto na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat mapanagot sa paglabag sa Bayanihan Heal as One Act hinggil sa panukala niya na ituloy ang paggamit ng tricycle sa kanilang lungsod.

Marami ang nagsabing si Pimentel ang mas dapat na pagpaliwanagin ng NBI dahil sa paglabag nito sa umiiral na enhanced community quarantine.

Read more...