Kaso ng COVID-19 sa Maynila, umakyat na sa 116

Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 positive patients sa Lungsod ng Maynila.

Base sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 1), 116 na ang tinamaan ng virus sa lungsod.

Naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Baseco – 1
– Binondo – 5
– Ermita – 6
– Malate – 7
– Paco – 2
– Pandacan – 8
– Quiapo – 2
– Sampaloc – 35
– San Andres – 0
– San Miguel – 1
– Sta. Ana – 16
– Sta. Cruz – 11
– Sta. Mesa – 4
– Tondo 1 – 7
– Tondo 2 – 11

Samantala, nasa 298 ang naitalang persons under investigation (PUIs) sa Maynila.

17 naman napaulat na nasawi bunsod ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Read more...