Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na magdudulot pa rin ito ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Maliban dito, umiiral din aniya ang Northeasterly Surface Windflow sa extreme Northern Luzon.
Magdadala aniya ang nasabing weather system ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa extreme Northern Luzon.
Dahil dito, nakataas ang gale warning sa baybayin ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ani Clauren, pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa nasabing lugar na huwag munang pumalaot dahil inaasahang magiging alon at posibleng umabot ang wave height sa 4.5 meters.
MOST READ
LATEST STORIES