Nakumpiska sa operasyon ang ilang smuggled na personal protective equipment (PPE) tulad ng gloves, facemasks (surgical at N95) at goggles na nagkakahalaga ng P15 milyon.
Misdeclared ang mga kargamento bilang general merchandise nang ma-import sa bansa.
Sa ngayon, nagsasagawa ng imbentaryo ang BOC sa mga produkto.
Binigyan din ng ahensya ang mga may-ari ng tatlong tindahan ng 15 araw para magprisinta ng mga kinakailangang dokumento na magpapatunay na legal na na-import sa bansa ang mga produkto.
Kapag napatunayang smuggled ang mga produkto, maaaring masampahan ang mga may-ari ng tatlong tindahan ng kasong paglabag sa probisyon ng Customs Modernization Act (CMTA).