Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, umabot na sa 12

Tumaas pa ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Valenzuela City.

Batay sa Valenzuela City monitoring report hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 1), nasa 12 na ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Nasa 140 ang naitalang persons under investigation o PUIs habang 163 naman ang persons under monitoring o PUMs.

Nakalahad pa sa ulat na dalawa na sa lungsod ang nasasawi bunsod ng virus.

Muling hinikayat ang mga residente sa lungsod na manatili sa bahay kung hindi naman kailangang lumabas para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Read more...