2,000 COVID-19 rapid test kits, natanggap na ng PCG

Natanggap na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2,000 sa 23,000 COVID-19 rapid test kits at personal protective equiment (PPE).

Pinangunahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang ceremonial turn-over ng medical supplies sa Camp General Emilio Aguinaldo, Miyerkules ng umaga (April 1).

Ayon sa PCG, ang mga natanggap na test kits at PPEs ay donasyon ni Kim Wong sa national armed services.

Ipamamahagi naman ang test kits at PPEs sa Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy at V. Luna General Hospital para sa mga frontliner na lumalaban sa banta ng COVID-19.

Read more...