6 mangingisda huli dahil sa illegal fishing at ilegal na droga sa Muntinlupa City

Naaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda dahil sa illegal fishing sa Muntinlupa City, araw ng Martes (March 31).

Ayon sa PCG, nahuli ng Task Group Laban COVID-19 Water Cluster ang mga suspek sa karagatang sakop ng Barangay Sucat.

Nakilala ang mga mangingisda na sina Bernardino Aquino, 51-anyos; Alexis Viray, 39-anyos; Hermond Ayuran, 32-anyos; Erwin Alday, 32-anyos; Julius Aquino, 30-anyos at Raymond Santiago, 27-anyos.

Sa kasagsagan ng seaborne patrol, namataan ng task group ang isang unmarked motorbanca na gumagamit ng illegal fishing gear na “suro.”

Labag ito sa Republic Act 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998 dahil sa hindi magandang epekto nito sa kalikasan.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre pa ng task group na gumagamit ang mga mangingisda ng shabu.

Read more...