Santa Ana, Cagayan niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.9 na lindol sa Santa Ana, Cagayan Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 62 kilometers Northwest ng Santa Ana dakong 1:49 ng hapon.

1 kilometer ang lalim nito at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na hindi ito nagdulot ng pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...