Sa datos ng DOLE, hanggang March 31, nakapagtala lamang ang field monitoring ng kagawaran ng mahigit sa 630,000 na manggagawang apektado ng lockdown matapos magsara pansamantala ang mga pinapasukang kumpanya o nagpatupad ng flexible work arrangements mula sa 15, 213 na establisimyento.
Sa nasabing datos, 169,232 ay mula sa informal sector.
Sinabi ng DOLE na sa ngayon, nakapaglabas na ang kagawaran ng P160 milyong tulong pinansiyal para sa mga apektadong manggagawa.
Paliwanag ng DOLE, ang cash aid na ito ay iba pa sa tulong na manggagaling sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na nagkakahalaga ng mula P5,000 to P8,000 subsidya sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One law.
Bagamat sa ilalim ng naturang batas, ang cash at non-cash Emergency Subsidy Program (ESP) sa loob ng dalawang buwan ay base sa umiiral na regional wage rates, ang CAMP ng kagawaran ay isang one-time quarantine assistance.