Nurse sa Nueva Ecija pumanaw sa COVID-19

Isang nurse sa Nueva Ecija ang pumanaw sa sakit na COVID-19.

Sa datos Provincial Government ng Nueva Ecija, ang 44 anyos na pasyente ay nagtatrabaho bilang nurse sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.

Siya ay na-admit noong March 21, 2020 dahil sa COVID-19.

Kabilang ang naturang nurse sa 8 naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ngayon mayroon nang 23 kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

 

Read more...