Kaso ng COVID-19 sa Laguna 54 na

Mayroon nang 54 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan Laguna.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez ito ay base sa pinakahuling datos, Miyerkules (Apr. 1) ng umaga.

Kabilang sa nakapagtala ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ang mga sumusunod na bayan:

Santa Rosa – 13
San Pedro – 10
Biñan – 8
Calamba – 8
Cabuyao – 3
Los Baños – 3
Majayjay 2
Alaminos – 1
Bay – 1
Lumban – 1
Nagcarlan – 1
Pila – 1
San Pablo – 1
Victoria – 1

Mayroon namang 821 na PUIs sa Laguna at 5,644 na PUMs.

Mahigit 7,600 naman na mga PUM ang nauna nang na-clear o nakatapos ng quarantine.

Sa 54 na kaso, mayroong 5 nasawi at 3 ang naka-recover.

 

Read more...