Mayor ng Baras, Rizal positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Baras, Rizal Mayor Kathrine Robles.

Sa kanyang opisyal na pahayag na ibinahagi sa Facebook page ng Baras sinabi ng alkalde na maaring nakuha ang virus sa pakikisalamuha at pagtungo sa ibang bayan upang makipag-ugnayan sa mga programa ng Baras.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng alkalde.

Maayos naman na ang kondisyon ni Robles.

Pinayuhan ni Robles ang mga nakasalamuha niya simula noong Marso 18, 2020 na agad makipag-ugnayan sa Municipal Health Office.

Sa datos ng Baras Municipal Government ay isa pa lang ang kaso ng COVID-19 sa bayan.

Mayroon namang 362 na PUMs at 15 PUIs sa Baras.

Magugunitang pumanaw ang Vice Mayor ng Jalajala, Rizal na si VM Jolet Dels Santos.

Ang Mayor naman ng Taytay Rizal na si Joric Gacula ay nauna nang nagsabi na positibo siya sa sakit.

Read more...