13-anyos na batang lalaki sa UK pumanaw sa COVID-19

Isang 13-anyos na batang lalaki ang pumanaw sa sakit na COVID-19 sa United Kingdom.

Ang bata ay walang ibang sakit bago tamaan ng COVID-19 ayon sa kaniyang pamilya.

Ang bata na si Ismail Mohamed Abdulwahab ay unang nakaranas ng hirap sa paghinga kaya dinala siya sa ospital.

Pumanaw ang bata sa King’s College Hospital sa London, at siya ang pinakabatang nasawi sa Britain dahil sa coronavirus pandemic.

Isang 12-anyos na batang babae naman na pumanaw noong Martes sa Belgium ang pinakabatang nasawi sa Europe dahil sa COVID-19.

Read more...