US nahigitan na ang death toll ng China sa COVID-19

Mas madami na ang bilang ng nasawi sa Estados Unidos sa sakit na COVID-19 kumpara sa bilang ng mga nasawi sa China.

Sa magdamag ay may naitalang 658 na nasawi sa US kaya umabot na sa 3,789 ang death toll nito sa COVID-19.

Mas mataas na ito kumpara sa 3,305 na death toll sa China.

Samantala, lalo pang lumobo ang kaso ng COVID-19 sa US.

Umabot na sa mahigit 185,700 ang kaso sa US matapos na makapagtala ng mahigit 21,900 na panibagong kaso sa nakalipas namagdamag.

 

 

 

Read more...