Ikalawang quarantine facility binuksan sa QC

Binuksan na ang ikalawang Quarantine Facility sa Quezon City na gagamitin para sa mga persons under investigation (PUIs) sa COVID-19.

Ang “HOPE 2” ay matatagpuan sa Quezon City University Complex sa Novaliches.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mayroon itong isolated living quarters at ipo-provide din ng LGU ang pagkain, personal hygiene kits at medication ng mga PUI.

Pansamantalang doon mananatili ang mga PUI na walang kakayahang makapag-quarantine sa kanilang mga bahay.

“The quarantine facility has a 168-bed capacity for PUIs who are unable to undergo self-quarantine in their respective homes,” ayon kay Belmonte.

Read more...