Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 113 kilometers Southwest ng bayan ng Sarangani, alas-3:18 madaling araw ng ng Miyerkules (April 1) at may lalim na 80 kilometers

Samantala, magnitude 3.1 na lindol naman ang naitala sa 107 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-5:03 ng madaling araw at may lalim na 1 kilometer.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...