LOOK: Flights na naka-schedule ngayon sa NAIA T1

Tuloy ang biyahe ng ilang airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa inilabas na listahan ng Manila International Airport Authority (MIAA), ngayong araw may mga biyahe mula Manila patungo ng Hong Kong, Taipei, Haneda, Brunei, Doha, at South Korea.

Tuloy din ang biyahe mula sa nasabing mga bansa pabalik ng Manila.

Kabilang sa mga airline na patuloy na nag-ooperate ay ang Hong Kong Airlines, Cathay Pacific, Eva Air, ANA, Riyal Brunei, China Airlines, Qatar Airlines, Korean Air at Asiana Airlines.

Araw-araw ay naglalabas ng listahan ang NAIA ng mga naka-schedule na flights.

Read more...