Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 37.9 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Tuguegarao City – 37 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.5 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 36.4 degrees Celsius
Echague, Isabela – 36.3 degrees Celsius
Mainit din ang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot sa 35 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 36 degrees Celsius ganap na alas 3:10 ng hapon.