Kaso ng COVID-19 sa QC umakyat na sa 151

Nakapagtala na ng 151 na kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos mula sa Quezon City Government, sa nasabing bilang ay 11 ang naka-recover na o gumaling at 27 naman ang nasawi.

Mayroon namang 73 persons under investigation o PUIs sa Quezon City at 385 na persons under monitoring o PUMs.

Naitala ang mga kaso ng COVID-19 mula District 1 hanggang District 6 ng lungsod.

Ang Barangay B.L. Crame ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso na umabot sa 9, habang ang Barangay Matandang Balara, Batasan Hills, at Pasong Tamo ay mayroong tig-8 kaso.

Read more...