Sa Laging Handa briefinng, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na suportado ng kanilang hanay ang panawagan ng mga negosyante na magkaroon ng moderate na pagtatanggal sa enhanced comunity quarantine.
Pero ayon kay Lopez, tanging ang mga negosyo lamang na may kaugnayan sa produksyon at manufacturing ng pagkain at iba pang essential goods ang papayagan na mag-operate.
Pabor din aniya ang DTI na habaan pa ang oras ng operasyon ng mga grocery at supermarket para hindi magkumpul-kumpol ang mga tao.
Magkakaroon aniya ng pagpupulong, araw ng Miyerkules, ang IATF at ilalatag niya ang kanyang mga rekomendasyon.
Dapat pa rin aniyang ipagpatuloy ang pagbabawal sa mass gatherings o malakihang pagtitipon at dapat ma-maintain ang social distancing.