Ayon kay Domagoso, naiintindihan niya ang mamamayan sa lungsod na nangangailangan ngayong panahon ng lockdown ngunit gustuhin man niya ay talagang kulang sa suplay ng goods.
Aniya, apektado rin ng lockdown ang mga nagsusuplay ng goods na dapat na irerepack para sa bawat pamilyang apektado ng quarantine .
Katunayan aniya ay umabot na sa 153,453 pamilya ang nabigyan ng food boxes sa lungsod na matagumpay itong naideliver sa bawat pamilya katuwang ang mga frontliners na mga tauhan ng Manila Police District (MPD) , Manila Social Welfare and Development (MSWD) , Department of Public Safety (DPS), Department of Engineering ang Public Works (DEPW) at mga barangay officials na katulong sa pamamahagi ng food boxes sa mga bara- barangays.
Ang suliranin lamang aniya ay kulang ang suplay sa takdang pangangailangan ng ating mamamayan sa lungsod sapagkat maraming tao sa planta at pabrika ang hindi nakakapasok at apektado ang produksyon ng pagkain o goods.
Giit ni Domagoso, ang dating ng supplies ang suliranin na hindi na aniya kontrolado.
Tulad aniya sa ibang dako ng mundo, sa ibang bansa ay may suliranin din.
Ang iba sa kanila aniya ay nagkakasakit o nagiging PUIs habang ang iba ay nagpositibo na kaya pakonti ng pakonti na aniya sila sa City Hall.