Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nasa 60 na

Umakyat na sa 60 ang COVID-19 positive patients sa Mandaluyong City.

Ito ay batay sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:30, Martes ng hapon (March 31).

Maliban dito, 169 ang naitalang persons under investigation o PUI kung saan 23 ang cleared na.

383 naman ang persons under monitoring o PUM kung saan 98 ang cleared na.

Batay din sa inilabas na datos, 15 ang na-discharge na ng ospital.

Anim naman ang nasawi bunsod ng virus habang pito ang PUI.

Read more...