Isang staff sa Bauan Doctors General Hospital, positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff ng Bauan Doctors General Hospital sa Batangas.

Sa abiso, sinabi ng pamunuan ng ospital na nagsasagawa na sila ng kinakailangang hakbang base sa DOH at Center for Disease Control Protocol.

Nagsasagawa na rin anila ng disinfection sa ospital.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang Emergency Room at Laboratory Section at magbabalik-normal ang operasyon sa Huwebes, April 2.

Sinabi rin ng BDGH na nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Isinailalim na sa home quarantine ang mga hospital personnel na nakasalamuha ng COVID-19 positive patient.

Tiniyak naman ng BDGH na aabutan ng tulong ang mga apektadong hospital personnel.

Nananatili anilang operational ang iba pang area ng ospital base sa naka-duty nilang health worker.

“BDGH is committed to provide its service to all seeking medical attention based on existing DOH Health Protocols and based on hospital capabilities,” dagdag ng ospital.

Read more...