Ventilators sa bansa, sapat para sa COVID-19 patients – DOH

Inihayag ng Department of Health o DOH na sapat ang suplay ng ventilator sa bansa para sa COVID-19 positive patients.

Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong mahigit 500 ventilators sa bansa.

Sa nasabing bilang, 100 ay nasa mga ospital sa Metro Manila habang 400 naman sa iba pang rehiyon.

Sapat aniya ito dahil limang porsyento lamang sa COVID-19 cases sa buong mundo ang malala ang kondisyon na nangangailangan nito.

Aniya, kabilang ito sa listahan ng kagawaran na hinahanapan ng supplier para makapag-procure ang DOH.

Read more...