Makakaapekto pa rin ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na patuloy na magdadala ang Easterlies ng mainit at maalinsangang panahon sa buong bansa.
Sa susunod na 24 oras, asahan aniyang magiging mainit ang panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila maliban lamang sa pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog lalo na sa hapon at gabi.
Maalinsangang panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.
Mababa aniya ang tsansa na makaranas ng pag-ulan ngunit pagdating ng hapon o gabi, posibleng magkaroon ng mahinang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Sinabi pa ni Clauren na walang inaasahng papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.