Ito ang sinabi ni Atty. Victor Rodriguez, ang tagapagsalita ng dating senador, at aniya, noong Marso 28 nang malaman nila ang resulta ng test kay Marcos mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ibinahagi ni Rodriguez isang araw pagkadating ni Marcos mula sa Europe noong Marso 13 ay agad na itong nagtungo sa ospital dahil sa pananakit ng kanyang dibdib at para na rin malaman ang kanyang kondisyon dahil lumalaganap na ang nakakamatay na sakit.
Ngunit, kinailangang umuwi ni Marcos dahil marami nang pasyente sa naturang ospital at mas grabe ang kondisyon ng mga ito.
Makalipas ang isang linggo, nagbalik sa ospital si Marcos dahil sa hirap na paghinga kayat sumailalim na ito sa test at pinayuhan na mag-self quarantine hanggang ngayon.