Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 31, nasa 368 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 30 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 242 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 117 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nananatili naman sa siyam ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 193 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 94 kaso, Middle East na may 48 na kaso habang ang Americas naman ay may 33 cases.
MOST READ
LATEST STORIES