Sa inilabas na datos hanggang March 30, nasa 15,337 ang kabuuang pagsusuri na naisagawa ng pitong health facility o laboratoryo.
Sa datos, kabilang dito ang lahat ng pagsusuri kasama ang retest, validation at iba pa.
Narito ang naisagawang pagsusuri ng mga sumusunod na health facility:
– Research Institute for Tropical Medicine, Inc. (RITM) – 14,001
– Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) – 162
– San Lazaro Hospital (SLH) – 65
– Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) – 387
– UP National Institute of Health (UP-NIH) – 143
– Western Visayas Medical Center (WVMC) – 173
– Southern Philippines Medical Center (SPMC) – 406
Samantala, sinabi rin ng kagawaran na 89,969 pa ang kailangang gawing pagsusuri ng mga nabanggit na health facility.