BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 2,084

Muling lumobo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press conference, inanunsiyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umakyat na sa 2,084 ang COVID-19 positive patients sa bansa.

538 aniya ang napaulat na panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa Pilipinas sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay Vergeire, 10 pang pasyente ang nasawi dahil sa virus dahilan para umabot ang death toll nito sa bansa sa 88.

Sinabi rin nito na pitong pasyente naman ang nakarekober o gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 49 na ang total recoveries sa Pilipinas.

Read more...