Ayon pa kay Binay, tatanggap din ng food packs ang kanilang 78,262 senior citizens sa ilalim ng Blu Card program at ito ay direktang ihahatid sa kanilang mga bahay.
Sinabi ng alkalde, inaagahan nila ang pamamahagi ng cash gift, na tuwing Hunyo ibinibigay, para iparamdam sa mga nakakatanda na suportado sila ng pamahalaang lungsod.
“Gusto naming na mabawasan ang pag-iisip ng ating mga senior citizen at siguruhin sa kanila na patuloy naming silang inaalagaan kahit may krisis,” sabi pa ng alkalde.
Ang may edad 60 hanggang 69 ay tatanggap ng P1,500; ang mga may edad 70 hanggang 79 naman ay P2,000; ang mga 80 hanggang 89 ay P2,500 at ang mga may edad 90 hanggang 99 ay P5,000
Umaasa si Binay na ang halaga ay makakatulong sa gastusin ng mga senior citizen.