Ayon kay Poe, parehas lang ang kalidad at kung ang mas murang PPE sets ang binili ng DOH, maaring nakatipid pa ng hanggang P800 milyon.
Sabi ng senadora na sa sitwasyon ngayon, kailangan talaga ang mabilisang pagkilos ngunit hindi dapat din kalimutan ang makatuwiran na paggamit ng pera.
“Ang bawat piso na matitipid natin sa ganitong panahon ay maaari pa nating magamit sa iba pang mga programa ng gobyerno para makapagbigay ayuda sa ating mga kababayan na higit ring nangangailangan ng tulong tulad ng financial aid at pagkain pang araw-araw,” sabi ni Poe.
Inihirit din nito sa DOH na alisin na ang ‘red tape’ sa pamamahagi ng mga donasyong PPE at iba pang kagamitang pang-medikal sa mga ospital para magamot ang mga pasyente ng COVID-19.