21 nahuli sa Navotas City dahil sa home quarantine violation sa magdamag

Mahigit 20 ang nahuli ng mga otoridad na lumabag sa ipinatutupad na home quarantine sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Navotas City, nasa 21 ang nahuli bunsod ng home quarantine violation.

Dahil dito, umabot na sa 453 ang kabuuang bilang ng mga nahuli mula March 20 hanggang March 31, 2020.

Muli namang nagpaalala sa mga residente sa lugar na sumunod sa ipinatutupad na panuntunan para maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Read more...