Mga health Workers hindi dapat pandirihan – IBP

Umapela sa publiko ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na iwasan ang diskriminasyon sa mga healthworkers, mga frontliners at mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ayon kay IBP National President Atty.Domingo Cayosa, hindi dapat na umabot sa takot o pagpa-panic ng publiko ang kinakaharap na krisis ngayon ng bansa sa banta ng COVID-19 na maisasantabi na ang humanity ng lahat gayudin ang pagsuporta at compassion para sa mga biktima at frontliners.

Ginawa ng IBP ang apela sa publiko matapos mapaulat na may mga nangyayari ng diskriminasyon sa ilang frontliners gaya ng hindi pagpapasok sa kanilang tinutuluyang boarding house, hindi pagtanggap sa mga ospial at hindi pagpapasakay sa mga public transportation.

Nauunawaan naman ng IBP na may mga kinakailangang pag-iingat subalit dapat paring risonable ang mga ito ay dapat at naaayon sa batas.

Binigyang-diin ng IBP na mayroong tinatawag na Magna Carta of Patients Rights and Obligations, Magna Carta of Public Health Workers, at iba pang mga batas at regulasyon na kinakailangang sundin.

Nangako ang IBP na igagalang ang karapatan at ipagtatangol ang mga pagmamalabis sa mga frontliners sa panahon ng krisis.

Umapela din ito sa publiko na makipagtulungan nalang sa halip na i-discriminate ang mga nasa frontline.

Read more...