Listahan ng mga ospital na maaring magamit bilang COVID testing laboratory inilabas ng DOH


May mga ospital nang pinag-aaralan ang Department of Health (DOH) na maarig magamit bilang laboratory para sa COVID-19 testing.

Ayon sa DOH, ang Research Institute for Tropical Medicine ang gagawa ng hakbang para maitaas ang kapasidad o kakayahan ng mga ospital na makapagsagawa ng test.

Sa ngayon kasi, anim na laboratoryo pa lamang ang nakapagsasagawa ng full scale implementation (Stage 5) ng COVID-19 testing.

Ito ay ang:

– Research Institute for Tropical Medicine
– Baguio General Hospital and Medical Center
– San Lazaro Hospital
– Vicente Sotto Memorial Medical Center
– Southern Philippines Medical Center
– University of the Philippines-National Institute of Health

Ang ibang ospital ay nasa pagitan pa lamang ng Stage 1 hanggang Stage 4 categories ang kanilang laboratoryo.

Read more...