Singil sa tubig ng Manila Water bababa sa Abril

Epektibo sa April 1. 2020 ay may pagbaba sa singil sa tubig ng Manila Water.

Ito ay dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).

Ayon sa Manila Water, bumaba ng 0.74 percent ang basic charge kumpara sa huling quarter ng taong 2019.

Dahil dito, ang mga customer ng Manila Water na ang konsumo ay nasa 30 cubic meter per month ay mayroong pagbaba na P5.02 sa kanilang bill.

P2.46 naman ang bawas kung costumer ay kumokonsumo ng 20 cubic meters per month.

At P1.11 naman ang bawas kung ang konsumo ay 10 cubic meters per month.

Ang mga lifeline costumer o ang mga low-income residentia costumer na ang konsumo ay mas mababa sa 10 cubic meters ay patuloy na magbabayad ng P87 na lifeline rate kada buwan.

Read more...