Ayon kay IATF Spokesperson Sec. Karlo Nograles, partikular na iniutos sa TWG na isapinal ang guidelines para matukoy kung ang umiiral na ECQ ay tatapusin sa itinakdang petsa na April 15 o kung kailangan ba itong palawigin pa at sakupin ang iba pang lugar na nasa labas ng Luzon.
Sa ngayon, ayon kay Nograles, peke at hindi totoo ang mga kumakalat na balita na palalawigin pa ng 60 araw ang pag-iral ng ECQ.
Hindi aniya magiging madali na desisyunan ito at kailangan ng siyensya at masusing pag-aaral bago mapagpasyahan.
“Hindi po totoo ang kumakalat na balita na i-e-extend ang enhanced community quarantine nang 60 days. In this case, science is in charge. Sana malinaw po ito sa lahat,” ayon kay Nograles.