GSIS pension matatanggap na ng pensioners sa April 2

Natatanggap ng mas maaga ng pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang pensyon.

Ayon kay GSIS General Manager Rolando Macasaet sa April 2 sisimulan na ang release ng pensyon.

Mas maaga ng isang linggo sa normal na petsa na pagre-release ng pensyon ng GSIS.

Sinabi ni Macasaet na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay nagpasya silang agahan ang pagbibigay ng pensyon.

Ide-deposito na ang pera at make-credit ito alas 9:00 ng gabi ng April 1.

Ibig sabihin ani Macasaet na April 2 ay maari nang ma-withdraw ang pera.

Read more...