Ayon kay Sotto, alas 12:40 ng madaling araw ng Martes, March 31 nang matanggap niya ang una sa lingguhang report ng pangulo.
Hindi pa natatapos basahin ng buo ni Sotto ang report.
Bibigyan din ng kopya nitoa ang Senate oversight committee members.
Una kaniyang speech sinabi ng pangulo na inatasan niya si Executive Secretary Salvador Medialdea na ilatag ang responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng kapapasa lamang na Bayanihan to Heal as One Act.
Sa pamamagitan nito sinabi ng pangulo na magiging tuluy-tuloy ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemic ng COVID-19.
Pinatutukoy ng pangulo ang partikular na responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng naturang batas.
Lahat ng detalye at aksyon ng mga ahensya ng gobyerno ayon sa pangulo ay isasama sa kaniyang lingguhang report na isusumite sa kongreso.