Military hospital ship nasa New York na para makatulong sa COVID-19 patients

Dumating na sa New York City ang military hospital ship para makatulong sa pagtugon sa mga pasyente ng COVID-19.

Ang USNS Comfort ay mayroong 1,000 bed capacity at dumaong sa Manhattan pier.

Mayroon ding operating rooms sa loob ng barko.

Ang New York City ay nakapagtala na ng halos 800 na nasawi dahil sa COVID-19.

Dahil sa dumaraming bilang ng pasyente, binuksan na ng New York ang temporary emergency hospital sa Javits convention center na mayroong 2,900 beds.

Read more...