Marikina may natukoy nang bagong lugar na pagtatayuan ng COVID-19 testing center

May natukoy nang bagong lugar na pagtatayuan ng COVID-19 testing center sa Marikina City.

Ito ay matapos na hindi payagan ng Department of Health (DOH) ang pagbubukas ng naunang pasilidad sa Marikina dahil hindi pumasa sa standard ang lokasyon nito.

Ang bagyong lugar ay dalawang palapag at 160 square-meter ang lawak sa Bayan-Bayanan Avenue sa Barangay Concepcion Uno.

Ayon kay Marikina City Engr. Kennedy Sueno inaasahan na sa susunod na dalawang linggo ay handa na ang pasilidad.

Inaasahan din nilang maaaprubahan na ito ng DOH.

Read more...