1 milyong mamamayan ng US sumailalim na sa COVID-19 test

Mahigit 1 milyong mamamayan ng Estados Unidos ang sumailalim na sa COVID-19 test.

Kasabay nito sinabi ni US President Donald Trump, na dapat patuloy na makiisa ang mga mamamayan sa hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para malabanan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinabi ni Trump na bawat isa ay mayroong responsibilidad sa kasalukuyang laban.

Tinawag din ni Trump na “challenging” at “very vital” ang susunod na 30-araw.

Bumili na rin ng personal protective equipment ang US sa ibang bansa.

Tutulong din ang US sa Italy na mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Magpapadala ang US ng $100 million na halaga ng medical supplies sa Italy.

Read more...